'Tao Po': Alex Calleja, humuhugot sa personal experience para sa kanyang jokes
Bago maging komikero si Alex Calleja, dumaan muna siya sa iba’t ibang trabaho noon. Kwento niya: "Naging construction worker ako, naging kargador ako ng thrift shop dyan sa Bangkal. Nag-fast food ako. Hanggang sa nakapasok ako sa SGS Far East Ltd., 'di pa ako graduate, data processing officer. Tapos nag-aral ako habang nagtatrabaho. Nag-working student ako. No’ng grumaduate ako, nagturo na ako sa AMA. Tapos no’ng 2005, nasa IT programmer naman ako no’n. Hanggang sa nagkaroon ng workshop sa Accenture ng stand-up comedy. Nag-perform sa mga bar, hanggang sa nakita ako ng ABS-CBN." Nagtuloy-tuloy ang kanyang career at naging utak siya ng ilan pang TV shows noon. Naging writer siya sa "Goin' Bulilit," "Showtime," at "Umagang Kay Ganda." Nasabak din bilang on-cam talent sa ibang palabas. Mas lalo siyang nakilala sa gitna ng pandemya kung saan nakakapagpasaya siya ng mga taong nakakapanood ng mga viral jokes niya online. Marami ang nakaka-relate sa mga punchline niya dahil nakabase ang mga ito sa totoong karanasan niya at ng mga ordinaryong Pilipino. Pagbabahagi niya: "Nagsusulat kami ng mga joke out of our personal experience. Karamihan doon galing sa isang mabigat pero para ma-i-convert sa nakakatawa ‘yon, naaalala mo naman ‘yong nararamdaman mo. ‘Yong lagi kong topic. ‘Yong nanay kong nagsusugal. ‘Yong tatay kong babaero. No’ng nangyayari ‘yon, hindi naman nakakatawa ‘yon kasi mapapalayas kami sa bahay. Tapos niloloko pa ako ng nanay ko na "asan ‘yong TV natin? Pinagawa lang natin.' Hindi ko naman alam na pawnshop pala ‘yon. Ang alam ko pagawaan ng TV e di nagfa-follow up ako. Sabi ko uy ‘yong TV namin. Tagal na niyan. Ako pa galit do’n. ‘Yon pala tinatawanan na ako ng mga tao doon kasi nakasangla pala." Dahil sa kanyang pagpapatawa, iba't ibang awards na ang kanyang natanggap kasama na ang pagpasok niya sa "Laugh Factory: Funniest Person in the World" na ginanap noon sa Finland. -- Ulat ni Jessie Cruzat para sa programang Tao Po. (September 29, 2024) Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews