Suivant

'Tao Po' : Binatang amputee swimmer pangarap maging paralympic athlete

17/10/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

18 years old pa lang si Justine Oliveros pero humakot na siya ng iba’t ibang medalya mula sa mga swimming competition na sinahilan niya. Tatlong gold ang inuwi niya sa Palarong Pambansa 2024 na ginanap sa Cebu. Nanalo siya sa mga category na 50 meter butterfly, 50 meter breaststroke at 50 meter freestyle. Hindi man halata sa kilos niya at mga bagay na kaya niyang gawin, pero hindi tulad ng ibang atleta si Oliveros. Ipinanganak siyang walang isang binti at hindi rin kumpleto ang mga daliri. Tinatawag itong “congenital amputation” o pagkakaroon ng kulang na bahagi ng mga paa o kamay pagkasilang ng isang tao. Ang totoo niyan sa ilog unang natutong lumangoy ang binata. Walang takot siyang lumalangoy kasama ang mga kaibigan. Kwento nya, "mga 7 years old po unang punta ko sa ilog. Hindi pa po ako maalam maglangoy noon. Pinapagalitan pa nga po ako ng tatay at nanay ko." Naniniwala ang manlalangoy na nagkaroon ng direksyon ang buhay niya dahil sa paglangoy. Naging scholar na rin siya sa Polytechnic University of the Philippines at nakapasok sa swimming team nito. Binago na nga ng paglangoy ang agos ng kanyang buhay, ang noo’y batang kulang sa binti, hindi na lang sarili ang nais itayo. "Gusto ko po maging national team, maging paralympic. Nung nakarating po ako dito sa swimming, may pangarap na po ako. May gusto na po akong pangarap." Ani Oliveros. Ulat ni Gretchen Fullido para sa programang Tao Po. ( September 8 , 2024)

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant