Suivant

'Tao Po': Buhay ni Jiro Manio sa likod ng camera

15/02/24
ABS-CBN
Dans Asie / Philippines

Masasabing isa sa mga pinakamahusay na child star noong kapanahunan niya si Jiro Manio. Parang walang balakid sa tagumpay na naghihintay kay Jiro pero dumating ang pagkakataon na nadapa ang batang aktor. Kwento niya, "Sikat na sikat po ako noon tapos hindi ako mapigilan. Kumbaga ako po yung nagdedesisyon sa sarili ko. Siguro mga ano lang ako noon, 14 years old. Tapos madalas akong tumambay sa labas ng bahay namin. May nagyaya sa akin, sabi ko gusto kong ma-try. Tapos ayun na bisyo na pala hindi ko alam." Pero isang araw, nagising si Jiro sa bangungot at tuluyang hinanap ang liwanag. "Nasa stage na ako ngayon na one day at a time tapos nakukuha ko po yung tiwala ng family ko tsaka yung para sa recovery ko po. Ngayon po napangangalagaan ko yung sarili ko, hindi na ako gumagamit, kaya ko pong maiwasan," sabi niya. Sa ngayon, naglilingkod si Jiro bilang isa sa mga volunteer at co-facilitator ng rehabilitation sa Bataan kung saan din siya nagpagaling noon. "Pag umuuwi po ako ng Bataan,yun kasama po ako sa volunteer team nila doon na nag-aassist po sa mga bagong confine na residents, nagbibigay po ng mga testimonial, nagshe-share ng buhay 'pag may mga event," kuwento niya. Masaya siyang makapagbahagi ng kanyang karanasan at aral sa mga kapwa niya naging drug dependent. Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (Feb 4, 2023) Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito. Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant