'Tao Po': Kilalanin si Ron Quiñones o mas kilala bilang Lowcostedit
Kursong Fine Arts ang kinuha ni Ron Quiñones noong college para sundan sana ang hilig sa pagpipinta pero ng dumating ang pagkakataon na makapagtrabaho ng maaga kaya ipinagpaliban muna niya ang pag-aaral. Sabi niya: "Nag-work ako actually na hindi related sa pagdo-drawing, pagpe-painting. That time kasi naisip ko, kailangan ko ng source of income. And then may mga instances na 'pag nakakuha ka na ng pera, parang ayaw mo nang bumalik (sa pag-aaral) kasi naka-produce ka na ng pera." Swerte namang nagkaroon ng posisyon sa kanilang kumpanya para sa isang graphic editor. Dito, nagbukas ang bagong oportunidad sa mundo ng digital art para kay Ron na nakatulong din sa kaniyang sining. 2022 nang iniwan niya ang kanyang trabaho at nag-focus sa paggawa ng mga online content at nakilala bilang 'Lowcostedit.' Paliwanag ni Ron: "Into arts naman talaga ako. Ang ginagawa ko sa content ko para mag-trending siya, kung sino 'yung trending na personality, ayun 'yung ine-edit ko. So ang pinakaunang nag-trend sa akin for example si Bella Poarch, in-edit ko siya." Bonus na lang daw sa tulad nyang content creator na may taong ma-inspire sa ginagawa niya. Kaya naman patuloy siyang nag-iisip ng ibang paraan para mas ma-iimprove ang kanyang mga content. -- Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (November 17, 2024) https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgJfSjdftIdc0f8ZzOjCOec