Suivant

'Tao Po' : Lalaki gumagawa ng art gamit ang sikat ng araw

13/11/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Mula Samar, lumuwas sa Maynila si Romeo Dacanay para magtrabaho sa restaurant ng kanyang tiyahin pero hindi niya akalaing madadala niya rin ang kanyang sining. Solar pyrography ang art ni Dacanay. Umuukit siya ng iba't-ibang disenyo sa kahoy at kinukulayan iyon gamit ang sikat ng araw. Ang mga patapon nang retasong kahoy galing sa muebles na ginagawa ng kapatid ang naisipan niyang ukitan ng bagong disenyo. Kwento ni Dacanay, "Dahil sa mahirap lang kasi kami sa probinsya, hindi ko maa-afford yung pambili ng mga pangkulay. Mga varnish, yung may element ng araw kaya nagawa ko yung ganun, free lang lahat, nasa paligid lang ang makukuha mong materyales." Hindi maikakaila na may kaakibat na panganib sa mata ang napili niyang sining kung mali ang diskarte sa paggawa. Para maprotektahan ang kanyang mata, sabi niya, "gamit ko na sunglasses, ginagamit sa mga pang welding." Ngayon, mahigit isang dekada na si Dacanay sa kanyang sining at iba-ibang disenyo na rin ang kanyang nagawa. Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (September 22, 2024) Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito. For more Tao Po videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgJfSjdftIdc0f8ZzOjCOec For more My Puhunan: Kaya Mo! videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist list=PLgyY1WylJUmjJk2miiYrWnq15JWz2E5hL For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmirlKxlCckfVQAgc0Xg3uZ4 Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews #TaoPo #LatestNews #ABSCBNNews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant