'Tao Po' : Polymer clay artist umuukit ng buhay na buhay na mga imahe
Mula sa tindig, porma, maging sa buhok, at pananamit, mahusay na naihuhulma ng polymer clay artist na si Enrico Viudez ang kanyang mga ginagawang imahe. Kung ang ibang kabataan, mahilig sa iba-ibang sports, pag-uukit at pagguhit ang kanyang pinagkaabalahan. Styrofoam ang una niyang ginamit na materyales sa kanyang pag-uukit. Sa maagang pagkatuklas ng pagmamahal sa sining, ito na rin ang landas na tinahak niya sa kanyang paglaki. Nagtapos siya sa kolehiyo sa kursong fine arts at nagtrabaho sa isang toy company bilang isang animator. Matapos ang 20 taon, iniwan niya ang pagiging animator para balikan ang pag-uukit. Sa pagbabalik sa kanyang childhood passion, mga cartoon characters ang unang inukit ni Enrico. Kalaunan, mga totoong tao na ang kanyang ginagawa gaya ng mga presidente ng Pilipinas at ngayon ay iconic personalities tulad ng magkapatid na Paquito at Romy Diaz, Eddie Garcia at ang dalawang hari ng pelikulang Pilipino na sina Dolphy at Fernando Poe Jr. Ulat ni Kabayan Noli de Castro para sa programang Tao Po. (June 16, 2024) For more Tao Po videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgJfSjdftIdc0f8ZzOjCOec For more My Puhunan: Kaya Mo! videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist list=PLgyY1WylJUmjJk2miiYrWnq15JWz2E5hL For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmirlKxlCckfVQAgc0Xg3uZ4 Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews #TaoPo #LatestNews #ABSCBNNews