Suivant

2024-coded: ‘Brat’ slang words na pumatok online alamin | Patrol ng Pilipino

01/01/25
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

MAYNILA — Nagbigay-kulay sa maraming social media posts at videos noong 2024 ang ilang trending na slang words. Kabilang diyan ang mga salitang nagkaroon ng bagong kahulugan gaya ng “brat” na kung dati tumutukoy sa sutil ay naglalarawan na sa taong “bold, real, audacious and trendsetting”. Ginamit naman ang salitang “puksaan” para sa tapatan, tagisan at pasiklaban. May mga salitang naging dulot ng teknolohiya at kung paano ginagamit ito: ang “brain rot” o epekto ng sobrang pagbabad sa online content na naging word of the year ng Oxford Dictionary, at ang “Millennial pause” na naglalarawan sa puwang bago magsalita ang isang tao sa video. Na-impluwensyahan naman ng pop culture ang ilang expression gaya ng “Eyy!” na may kasama pang shaka sign na bunga ng kasikatan ng girl group na BINI. Ilan pa sa mga salita na sumikat sa internet sa nakaraang taon ang -coded, yapping, sofer, at ang phrase na “Very Demure, Very Mindful”. – Ulat nina Jessie Cruzat, Harlene Delgado, Paige Javier, Kaxandra Salonga at Christopher Sitson, Patrol ng Pilipino Video edited by Kaxandra Salonga [Other links] Follow #PatrolNgPilipino online! Facebook: https://www.facebook.com/patrolngpilipino Instagram: https://www.instagram.com/patrolngpilipino TikTok: https://www.tiktok.com/@patrolngpilipino X / Twitter: https://www.x.com/patrol_pilipino YouTube: https://bit.ly/43mZH69 Threads: https://www.threads.net/@patrolngpilipino For more news: https://news.abs-cbn.com Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant