ALAMIN: Tips para makaiwas na tamaan ng kidlat | Patrol ng Pilipino | ABS-CBN News
MAYNILA — Sa panahon ng tag-ulan, kidlat ang isa sa mga pwedeng magdulot ng malubhang pinsala o kamatayan. Taon-taon, maraming Pilipino ang nabibiktima ng pagtama ng kidlat. Para maiwasan ito, mahalagang maging handa at alam ang mga dapat gawin kapag may paparating na bagyo o sama ng panahon. Mas delikado kapag may bagyo ang mga bukás na lugar gaya ng bukid, palayan at lansangan. Iwasan ang matataas na bagay tulad ng puno at poste. Huwag din lumusong sa anyong tubig at dagat na konduktor ng kuryente. Kapag mananatili sa loob ng bahay. i-unplug ang appliances at iwasan ang mga bintana at pinto. Huwag ding gumamit ng teleponong nakasabit sa dingding o habang naka charge. – Ulat ni Ariel Rojas, Patrol ng Pilipino For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more News Digital News Raw Cuts, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmi83yKJH8Dv0p_3D4cyZKzV Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #Exclusive #LatestNews #ABSCBNNews