Suivant

Bagong laya balik-kulungan matapos pagbantaan ang dating ka-live in partner

16/12/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Balik-kulungan ang isang lalaki matapos niyang pagbantaan ang buhay ng dating live in partner sa Barangay Batasan Hills, Quezon City. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Romil Avenido, Batasan Police station commander, kalalaya noong Setyembre ng suspek matapos ang 14 taong pagkakakulong dahil sa kasong robbery with homicide. Pumunta ang suspek sa labas ng bahay ng biktima habang paulit-ulit niyang tinatawagan ang cellphone ng dating live in partner. “Panay na ang tawag niya doon sa cellphone ng biktima kung saan siya ay nagbabanta. Vinerify siya ng biktima. Tiningnan siya doon sa labas ng bahay nakita ng complainant na meron siya nakasukbit na baril doon sa kanyang bewang,” sabi ni Avenido. Humingi ng tulong ang biktima sa kapitbahay niyang pulis na off duty noon. Naaresto ang suspek at nakuha ang isang gun replica. “Ang motibo talaga nito ay hindi matanggap nitong suspek na ang kanyang dating kinakasama ay meron nang asawa paglabas niya ng kulungan,” sabi ni Avenido. Aminado naman ang suspek sa nagawang krimen at sinabing sumama ang loob niya sa dating kinakasama. “Gusto ko lang sana siyang makita noong mga time na 'yun. Hindi ko naman inaasahan na ganun aabutan ko, na may kasama na siyang iba. Masakit pa doon, sabi nya sa akin, akala ko nagbibiro siya, kasi may baby kami eh. Sabi nya ibang tatay ang ipapakilala niya sa anak namin, hindi daw ako. Eh lalong sumama ang loob ko. Bugso lang po ng damdaman ko kaya ko po nagawa ung mga bagay na 'yun,” sabi ng suspek. Mahaharap ang suspek sa patong patong na reklamong grave threat, resistance and disobedience to a person in authority, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant