Bakit dinadayo ang Pinoy restaurant na ito sa Paris? | Patrol ng Pilipino
MAYNILA — Sa Paris, France may isang Pinay na ‘reyna’ ng kanyang restaurant. Siya si Erica Paredes, isang chef, at sa ‘Reyna Paris’, hatid niya ang Filipino-French fusion cuisine na patok sa mga lokal at turista. Kailangang magpareserba para matikman ang ilan sa mga ipinagmamalaking hain dito katulad ng fried chicken na may iba-ibang glaze gaya ng adobo, patis at mango habanero, bistek, crispy ulo ng baboy, kare-kare, at marami pang iba. Kaya naman kinalaunan nakuha na rin nito ang atensyon ng international media at laging nasasama sa listahan ng mga dapat makainan sa Paris. Hindi man karaniwang itsura ng mga nakagisnang pagkaing Pinoy ang pagkakahain sa ‘Reyna’, asahan na matitikman ang lasa at timpla na pamilyar at kinagigiliwan. “It’s more like using the best of what I can find here and introducing to them yung flavors natin, “ ani Paredes. Alay ni Paredes ang konsepto ng ‘Reyna’ sa kanyang ina, lola at mga kababaihang malaki ang naging impluwensiya sa kanyang pagkatao. – Ulat ni Zen Hernandez, Patrol ng Pilipino Video produced with Armand Derek Sol Follow #PatrolNgPilipino online! Facebook: facebook.com/patrolngpilipino YouTube: https://bit.ly/43mZH69 TikTok: tiktok.com/@patrolngpilipino X/Twitter: https://x.com/patrol_pilipino Instagram: instagram.com/patrolngpilipino Threads: threads.net/@patrolngpilipino For more news: news.abs-cbn.com