Bakit pinayagang makauwi sa Pilipinas si Mary Jane Veloso? | Patrol ng Pilipino
MAYNILA — Matapos ang 14 na taong nakakulong at nakapila sa death row sa Indonesia, pinayagan nang makauwi si Mary Jane Veloso sa Pilipinas. Narating ang tagumpay na ito para sa pamilya ng Pinay matapos ang mahabang talakayan sa pagitan ng mga gobyerno ng dalawang bansa.Follow #PatrolNgPilipino online! Facebook: https://www.facebook.com/patrolngpilipino Instagram: https://www.instagram.com/patrolngpilipino TikTok: https://www.tiktok.com/@patrolngpilipino X / Twitter: https://www.x.com/patrol_pilipino YouTube: https://bit.ly/43mZH69 Threads: https://www.threads.net/@patrolngpilipino For more news: https://news.abs-cbn.com Tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magandang relasyon ng Pilipinas at Indonesia sa ilalim nina dating Pangulong Joko Widodo at Pangulong Prabowo Subianto kaya “nagawan ng paraan” ang kaso at naabot ang kasunduang ito. Inaresto si Mary Jane Veloso noong 2010 dahil sa drug trafficking at nahatulang mamatay noong 2011. Patuloy niyang ginigiit na wala siyang kasalanan–na minanipula siya ng kanyang mga recruiter at pinagdala ng droga nang wala siyang kaalaman o pahintulot. Sa pag-uwi ni Veloso–na wala pang tiyak na araw–idiniin ng administrasyong Marcos na hindi pa siya malaya at ililipat lamang sa kulungan sa loob ng bansa. Wala na rin ang Pinay sa death row, dahil walang death penalty sa Pilipinas. – Ulat ni Pia Gutierrez, Patrol ng Pilipino