Batas na nagbabawal sa pagtayo sa parking slot, inihain sa Kongreso
0
0
15/11/24
Dans
Asie / Philippines
Inihain na sa Kongreso ang panukalang batas na magbabawal sa pagtayo sa parking slot para ireserba ito sa paparadang sasakyan. Ito ang House Bill 11076 o Mindful Parking Act. Ayon kay Akbayan Party list Rep. Percival Cendaña, makatutulong ang panukalang ito para maiwasan ang mga insidente na madalas nauuwi sa pagtatalo at sakitan. Sa ilalim ng panukala, pagmumultahin ng mula P2,000 hanggang P10,000 ang mga lalabag at posible ring bawiin ang kanilang lisensya.
Montre plus
0 commentaires
sort Trier par