Suivant

Buhawi nanalasa sa Iloilo; 44 na bahay nasira | ABS-CBN News

20/09/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Mga bumagsak na bubong at nabuwal na mga puno ng kahoy — ito ang tumambad kinaumagahan sa mga residente ng Cabatuan, Iloilo, matapos manalasa ang isang buhawi Miyerkoles ng gabi (Setyembre 18). Ayon sa Cabatuan MDRRMO, biglang naramdaman ng mga residente sa lugar ang malakas na hangin na may dalang malakas na buhos ng ulan at ilang segundo lang ay nabuwal na ang kanilang bahay. Sa datos ng Cabatuan MDRRMO, umabot sa 44 na bahay ang nasira sa apat na barangay kung saan 7 dito ang "totally damaged" at 33 ang "partially damaged." Isang paaralan din ang naitalang nasira dahil sa buhawi. Pansamantalang nasa evacuation center ng bayan ang mga apektadong pamilya at naghatid na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Cabatuan. Patuloy pa ang ginagawang clearing operation at assessment ng Cabatuan MDRRMO sa pinsala sa pananalasa ng buhawi sa lugar. — Ulat ni Rolen Escaniel For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more News Digital News Raw Cuts, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmi83yKJH8Dv0p_3D4cyZKzV Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #Exclusive #LatestNews #ABSCBNNews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant