Dagdag kontribusyon sa SSS, epektibo na ngayong January 2025
0
0
03/01/25
Dans
Asie / Philippines
Epektibo na ngayong January 2025 ang pagpapatupad sa 15% contribution rate sa lahat ng miyembro ng Social Security System o SSS. Pero paglilinaw ng SSS, itinaas lang nila sa 15% mula sa dating 14% ang contribution rate ng kanilang mga miyembro base sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018. Nakasaad sa batas na itataas ang contribution rate ng SSS kada dalawang taon at ngayong 2025 na ang huling increase. Importante umano ang dagdag kontribusyon para mapangalagaan ang pondo ng SSS at ang mga benepisyong nakukuha ng mga miyembro.
Montre plus
0 commentaires
sort Trier par