Suivant

Dela Rosa tutol sa pagbibigay sa ICC ng kopya ng imbestigasyon sa drug war

05/11/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Naniniwala si Senator Ronald dela Rosa na posibleng magkaroon ng problema kung ibibigay sa International Criminal Court (ICC) ang certified true copy ng imbestigasyon ng Senado sa war on drugs. Ayon kay Dela Rosa, malinaw ang deklarasyon ng pamahalaan at maging ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang jurisdiction sa atin ang ICC. Pero taliwas umano ito kung pagbibigyan ang hiling ng ICC na makakuha ng kopya ng transcript ng hearing. Isa si Dela Rosa sa mga akusado sa ICC, pero nilinaw rin ng senador na wala itong kinalaman sa isyu.

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant