Suivant

Escudero, tinawag na 'tsismis' ang plano para palitan siya bilang Senate president

25/09/24
ABS-CBN
Dans Asie / Philippines

Ipinagkibit-balikat lang ni Senate President Francis Escudero ang usap-usapan na papalitan na siya bilang pinuno ng Senado. Ayon kay Escudero, "tsismis" lang ang mga alegasyong ito at hindi siya magkokomento sa mga bagay na hindi pa naman napatutunayang totoo. Pero nilinaw rin niya na nakasalalay sa Senate majority ang panunungkulan nilang mga leader sa Senado. Mayo 2024 nang mahalal na Senate president si Escudero bilang kapalit ni Sen. Juan Miguel Zubiri. Ilang senador na ang itinanggi na may coup plot laban sa Senate president.

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant