Suivant

‘Fur parents’ tinanong: Dapat bang payagang kasama ang alaga habang kumakain? | Patrol ng Pilipino

15/09/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Umani ng batikos online ang isang restaurant sa Tagaytay dahil sa diskriminasyon umano sa isang asong Pinoy o aspin na pagbawalang ipasok ng may-ari. Hindi naiwasang mag-react ng fur parents sa issue lalo na’t marami nang establisimyentong pumapayag na papasukin ang “fur babies” kasama ang kanilang “fur parents”. Ayon sa may-ari ng restaurant, spacing at safety ng customers ang dahilan bakit hindi pinapasok ang aspin. Dahil dito, nagbigay ulit ng paalala ang animal advocates na bigyan ng pantay na trato ang doggies, may lahi man o aspin sila. Para sa ilang fur parent, mahalagang mabigyan ng espasyo ang mga alagang-hayop maging sa mga kainan dahil hindi rin nila maiwanan ang mga ito sa bahay. Panukala ng iba sa kanila, maglaan na lang ng designated area para sa mga magdadala ng pets para maisaalang-alang ang kapakanan ng mga walang kasamang alaga. –Ulat ni Jeck Batallones, Patrol ng Pilipino Video produced & edited by Carlo Enrique Luce For more ABS-CBN News, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR To watch the latest updates on COVID-19, click the link below: https://youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUjPkc730KnTVICyQU6gBf Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #PatrolngPilipino #LatestNews #ABSCBNNews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant