Gaano kalakas lang ba dapat ang noise exposure ng tao? | Patrol ng Pilipino
MAYNILA — Nagpaalala ang mga eksperto sa limit ng lakas ng tunog na dapat marinig ng indibidwal. Lumabas kasi sa pag-aaral ng National Institutes of Health ng University of the Philippines Manila na 16% sa 108 na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) personnel ang may moderate hearing loss o problema sa pandinig. Saad ng nanguna sa pag-aaral na si Dr. Kimberly Ong, hindi dapat tataas sa 85 dB (decibels) o lakas ng tunog ang noise exposure ng tao sa loob ng walong oras. Pero dahil babad ang mga MMDA personnel sa ingay ng kalye, lumalagpas ito sa limit. Paalala nya, huwag masyadong maging babad sa ingay ng paligid para mapanatili ang magandang pandinig. – Ulat ni Arra Perez, Patrol ng Pilipino [Other links] Follow #PatrolNgPilipino online! Facebook: https://www.facebook.com/patrolngpilipino Instagram: https://www.instagram.com/patrolngpilipino TikTok: https://www.tiktok.com/@patrolngpilipino X / Twitter: https://www.x.com/patrol_pilipino YouTube: https://bit.ly/43mZH69 Threads: https://www.threads.net/@patrolngpilipino For more news: https://news.abs-cbn.com Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews