Suivant

Ilan ba ang mga ilegal na POGO sa Pilipinas? | Patrol ng Pilipino

11/07/24
ABS-CBN
Dans Asie / Philippines

MAYNILA — Mahigit 250 mula sa tinatayang 300 na mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang ilegal na nag-ooperate sa Pilipinas, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Taong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang sinimulang pangasiwaan ng PAGCOR ang mga POGO. Tinawag ni Duterte noong 2020 na “malinis” ang mga POGO. Nagsimulang magsulputan ang mga POGO sa Pilipinas matapos itong ipagbawal sa ibang bansa. Pinasok ng mga POGO ang bansa nang nakitang maluwag noon ang PAGCOR, kuwento ng kasalukuyang chairman at CEO ng gaming regulator na si Alejandro Tengco, Hindi rin aniya natunton ng PAGCOR na may kalakip nang kriminalidad ang POGO. Pero sa nakaraang mga taon, napansin naman ang mga POGO dahil sa mga raid sa kanila kaugnay ng ilegal na gawain. May panawagan na ring “total ban” dahil sa banta umano ng mga ito sa kaligtasan at seguridad ng bansa. Ayon naman sa PAGCOR, madedehado ang Pilipinas kapag nawala ang mga POGO dahil umabot sa P20 billion ang ambag nito sa gross domestic product ng bansa noong 2023. – Ulat ni Victoria Tulad, Patrol ng Pilipino Follow #PatrolNgPilipino online! Facebook: https://www.facebook.com/patrolngpilipino Instagram: https://www.instagram.com/patrolngpilipino TikTok: https://www.tiktok.com/@patrolngpilipino X / Twitter: https://www.x.com/patrol_pilipino YouTube: https://bit.ly/43mZH69 Threads: https://www.threads.net/@patrolngpilipino For more news: https://news.abs-cbn.com Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant