Suivant

Ilang bahay inanod ng baha sa Magpet, Cotabato

21/10/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Inanod ng baha ang ilang bahay sa Magpet, Cotabato Linggo ng gabi matapos ang matinding ulan. Sa videong kuha ng residenteng si Janeth Sususco sa Barangay Bantac, sa bayan ng Magpet, Cotabato makikitang nagmistulang ilog ang kahabaan ng kanilang kalsada pasado alas 7 kagabi, October 20, 2024. Ayon kay Janeth, pasado alas 3 ng hapon ng makaranas sila ng malakas na pagbuhos ng ulan. Makaraan ang apat na oras, nagsimula na silang makaranas ng pagbaha. Nakunan pa ng video ni Janeth ang isang patay na kalabaw na inanod ng malakas na tubig baha. Pasado alas 11 na kagabi nang humupa ang baha. Nakunan din nya ng litrato ang ilang bahay sa Purok 6 na nasira at inanod. Maging ang isang kabayo ay inanod din at namatay. Sa inisyal na ulat ng LGU, tinatayang nasa 50 bahay ang apektado. Nakatakdang mag emergency meeting ang lokal na mga opisyal ngayong Lunes.

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant