Ilang magsasaka, residenteng napinsala ng bagyo, habagat nagpupumilit bumangon | Patrol ng Pilipino
MAYNILA—Pinadapa ng mga epekto ng habagat na pinalakas ng mga bagyong Ferdie at Gener ang maraming palayan sa Occidental Mindoro. Nasira ang kabuhayan ng higit 1,000 magsasaka na nawalan ng nasa P77 milyong halaga ng pananim. Dagdag sa pinsala ng bagyo ang maraming bahay na nalubog sa baha sa mga bayan ng San Jose, Calintaan, at iba pa dahil sa ilang araw na walang tigil na buhos ng malakas na ulan. Hindi alam ng mga apektadong residente kung paano magsisimula muli. Sa tala ng MDRRMO San Jose, nasa 555 pamilya o 1,890 indibidwal ang inilikas at nakikituloy sa 20 evacuation center. Umaaray na rin ang sikmura ng mga katutubong Mangyan sa probinsya dahil sa ilang araw na walang suplay ng pagkain. – Ulat ni Dennis Datu, Patrol ng Pilipino Video edited by Icon Matthew Monit Follow #PatrolNgPilipino online! Facebook: https://www.facebook.com/patrolngpilipino Instagram: https://www.instagram.com/patrolngpilipino TikTok: https://www.tiktok.com/@patrolngpilipino X / Twitter: https://www.x.com/patrol_pilipino YouTube: https://bit.ly/43mZH69 Threads: https://www.threads.net/@patrolngpilipino For more news: https://news.abs-cbn.com