Suivant

Junkshop sa Taguig nasunog; pinsalang iniwan aabot sa P40M | ABS-CBN News

17/03/25
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Tinatayang aabot sa P40 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog na sumiklab sa isang junk shop sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, Lunes ng madaling araw. Ayon sa barangay, plastic at karton na pawang light materials ang karamihan sa laman ng junk shop. "Lahat po ng mga galing sa junk shop na inaano ng mga tao diyan po nila iniimbak. Marami pong residente sa looban niyan pero wala naman pong nadamay dahil napalibutan ng mga bumbero. Matagal na ito, 2013 pa po ito na junkshop," sabi ni Kagawad Alfredo Enano. Nasunog din ang dalawang 10-wheeler truck, isang six-wheeler, at isang Elf truck. Nadamay rin sa sunog ang ilang heavy equipment. Saktong 5:21 ng umaga nang idineklarang fire under control ang sunog makalipas ang mahigit tatlong oras, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon kay Fire Superintendent Melchor Isidro, City Fire Marshal ng BFP Taguig, pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil sa kapal ng usok mula sa nasusunog na light materials. "Medyo makapal kasi ang usok at nakapatong-patong ang light materials na nasusunog kaya pag nabubugahan nila. Kaya pag binugahan nila namamatay tapos nagliliyab ulit. Halo-halo po kasi 'yung nasusunog, may plastic, karamihan talaga is karton po, plywood siya. Tapos may mga sasakyang nasunog, may gasolina po," sabi ni Isidro. Kinailangan din na gumamit ng self-contained breathing apparatus o SCBA ng ilang bumbero dahil sa kapal ng usok. Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung saan 23 firetrucks ang rumesponde. Wala namang nasugatan o nasawi sa sunog. Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang dahilan ng sunog. For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more News Digital News Raw Cuts, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmi83yKJH8Dv0p_3D4cyZKzV Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC: http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews #ABSCBN #LatestNews #ABSCBNNews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant