Suivant

Kampo ni Duterte, humiling ng TRO sa Korte Suprema laban sa pag-aresto sa kanya

11/03/25
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Dumulog sa Korte Suprema ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para kuwestyunin ang ginawang pag-aresto sa kaniya sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC). Sa petisyong inihain ni Attorney Israelito Torreon, hiniling nila na ideklarang "unconstitutional" at walang basehan ang ginawang pag-aresto sa dating pangulo. Humihiling din sila ng temporary restraining order para pagilan ang gobyerno sa pakikipagtulungan sa ICC. Ayon sa petisyon, wala nang jurisdiction ang ICC sa bansa matapos kumalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong 2009. Binanggit din nila sa petisyon na ang Interpol ay isang "voluntary law enforcement network" at wala rin umanong judicial authority.

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant