Suivant

Lalaki, patay sa pamamaril sa Bgy. 176, Caloocan

16/09/24
ABS-CBN
Dans Asie / Philippines

Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin sa ulo sa Barangay 176 D Bagong Silang Caloocan, Sabado ng madaling araw. Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Ariel Gatil, 31 anyos. Ayon sa imbestigasyon ng Caloocan Police, katatapos lang kumain at nakatambay ang biktima kasama ang tatlong kaibigan nang mangyari ang insidente. Nakuhanan pa sa CCTV na naglalakad ang suspek matapos ang pamamaril. Sumulpot ang kanyang kasabwat na nakasakay sa motorsiklo. Maya-maya pa, tumakas na ang dalawa palusot sa Langit Road. Agad namang napatakbo sa lugar ang purok leader na syang unang rumesponde. “Bigla raw may pumunta na nakamotor, dumaan. Pagdaan daw bigla daw bumunot, pinutukan siya. Tapos hindi siya tinamaan. Nadaplisan lang. Hinabol siya ngayon paghabol doon sa kanto naabutan siya. Doon siya binakbakan ng gunman,” ayon kay Jay C De Lara, purok leader sa lugar. Nakaburol na ang labi ng biktima. Ang kanyang mga kaanak, ikinagulat ang pangyayari. Ikatlo sa pitong magkakapatid si Ariel na sumasideline bilang construction worker. Patuloy namang tinutugis ng mga pulis ang nasa likod ng krimen.

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant