Suivant

Mga bahay nasira, poste at puno nabuwal sa Catanduanes dahil sa bagyong Pepito

17/11/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

CATANDUANES — Natumba ang ilang puno at nasira ang ilang bahay sa San Andres, Catanduanes sa pagdaan ng Super Typhoon Pepito sa probinsiya. Makikita sa video ang ilang yero na nilipad habang ang ilang bahay ay nawalan na rin ng dingding. Sa Virac naman, natumba ang ilang poste at may mga nakahambalang na mga wire sa mga kalye. May mga pagbaha rin at natumbang mga puno at natanggal na mga bubong ng ilang bahay ang tumambad bandang alas-6 ngayong Linggo ng umaga. Nag-uumpisa na ang initial na assesment ang lokal na pamahalaan ng Virac at road clearing sa mga pangunahing kalsada partikular sa mga patungong Virac airport at sa mga pantalan. — Rey Boton, Angelica Nuñez

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant