Mga libre at binebentang pagkain, dinarayo tuwing Simbang Gabi | Patrol ng Pilipino
MAYNILA —Sumasalubong sa mga nagsisimba tuwing Misa de Gallo o Misa de Aguinaldo ngayong Kapaskuhan ang iba’t ibang pagkain na nakadikit sa tradisyon ng Simbang Gabi. Sa labas ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church, dalawang dekada nang nagtitinda ng puto bumbong ang pamilya ni “Ate Aning” na may original at special version. Kawanggawa naman ng ilang grupo ang mamahagi ng mainit na panlamang-tiyan sa mga nagsimba gaya ng sopas at pansit.Binabalak ng maraming Katoliko na buuin ang 9 na araw ng pagdalo sa misa kasabay ng kanilang mga hiling at dasal. Pero paalala ng taga-simbahan, mas mahalaga ang laman ng puso ng mananampalataya kaysa sa simpleng pagbuo ng araw ng pagsimba. – Ulat ni Christopher Sitson, Patrol ng Pilipino Video produced with Armand Derek Sol Follow #PatrolNgPilipino online! Facebook: https://www.facebook.com/patrolngpilipino Instagram: https://www.instagram.com/patrolngpilipino TikTok: https://www.tiktok.com/@patrolngpilipino X / Twitter: https://www.x.com/patrol_pilipino YouTube: https://bit.ly/43mZH69 Threads: https://www.threads.net/@patrolngpilipino For more news: https://news.abs-cbn.com