Suivant

Mga mambabatas, naniniwalang 'dummy' investor si Cassandra Ong

06/09/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Naniniwala ang dalawang kongresista na "dummy" investor sa POGO si Cassandra Ong. Ayon kay House Commitee on Dangerous Drugs Chairperson Representative Robert Ace Barbers, hindi malinaw kung saan nanggaling ang pera na pinang-iinvest umano ni Ong. Naniniwala naman si House Committee on Public Order and Safety Chairperson Representative Dan Fernandez na posibleng nagsisinungaling si Ong. Sa pagdinig ng Quad Committee nitong nakaraang linggo, itinanggi ni Ong na isa siyang "dummy" investor. Iginiit din niya na isa lang siyang investor sa kompanya na nagpapaupa ng lupa sa ilegal na POGO hub ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant