Suivant

Nasa 1,000 pamilyang nasunugan sa Cavite, nananawagan ng tulong | Patrol ng Pilipino

14/09/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Bitbit ang kanyang alagang aso, naluluha pa ang residenteng si Leilani Santito nang alalahanin kung paano nailigtas ang kanyang alaga sa sunog na tumupok sa higit 1,000 bahay sa Sitio Kanluran, Brgy Longos sa Zapote III, Bacoor, Cavite noong Setyembre 10. "Nasa loob po ito [aso] ng bahay namin. Ayaw lumabas. Ang takot ko! Buti na lang sinaklolohan ng bumbero. Iyak ako ng iyak," aniya. Kaunti o halos walang naisalbang gamit mula sa naglalagablab na apoy ang mga residente. "Tulungan na lang po sana nila kami kahit papaano na makapagsimula muli," ani Flor Dela Cruz na dalawang dekada nang naninirahan sa lugar. Sa lawak ng nasakop ng sunog, isinara ang Bacoor exit ng CAVITEX na napuno ng mga fire truck at mga residenteng lumikas. Samantala, may mga residenteng nagsabing ninakawan pa umano sila ng mga gamit habang nagaganap ang sunog. Dinala ang mga nasunugang residente sa iba't ibang mga evacuation center. —Ulat ni Jeff Caparas, Patrol ng Pilipino Follow #PatrolNgPilipino online!   Facebook: facebook.com/patrolngpilipino YouTube: https://bit.ly/43mZH69  TikTok: tiktok.com/@patrolngpilipino X/Twitter: https://x.com/patrol_pilipino  Instagram: instagram.com/patrolngpilipino Threads: threads.net/@patrolngpilipino   For more news: news.abs-cbn.com Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant