Suivant

Pagdukot sa aktibista, huli sa CCTV

24/09/24
ABS-CBN
Dans Asie / Philippines

MAYNILA -- Huli sa CCTV ang pagdukot sa 66-anyos na aktibistang si Felix Salaveria, Jr. sa Barangay Cobo sa Tabaco City, Albay noong Agosto 28, 2024. Halos isang buwan nang nawawala si Salaveria. Sa video, bandang alas-11 ng tanghali, makikitang naglalakad si Salaveria hanggang sa dumating ang isang puting van at puwersahang ipinasok ng dalawang lalaki ang biktima sa loob ng sasakyan. Sa isang hiwalay na footage naman, namataan rin ang isang puting van bandang alas-10 ng gabi noong Agosto 23 sa Barangay San Lorenzo, Tabaco City, kung saan naiulat na nawala ang isa pang aktibista na si James Jazmines. Sinundan ito ng isang itim na pick-up at iba pang sasakyan na umano'y kasabwat sa pagdukot. Unang naiulat na nawawala ang 63-anyos na si Jazmines pagkatapos dumalo sa 66th birthday ng kaniyang kaibigan at kapwa siklista na si Salaveria sa isang restaurant sa Brgy. San Roque, Tabaco City, Albay. Kasalukuyang bigo pa ring mahanap ng mga kaanak ang kinaroroonan ng dalawa. "My sister and I, on behalf of our family, appeal to whoever is responsible for the abduction and detention of our father, Felix Salaveria, Jr., to surface him without delay... We have not heard from him since [he was taken.] We appeal to the public to help us pressure authorities to surface our father," ani Gab Ferrer, anak ni Salaveria. "We do not want our father to be just a statistic. It is important that you know him as a human being and a cherished person in his community," dagdag nito.

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant