PNP handa na para sa filing ng COCs na magsisimula sa October 1
0
0
30/09/24
Dans
Asie / Philippines
Handa na ang Philippine National Police (PNP) para sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato para sa halalan sa 2025. Magsisimula ang COC filing bukas, October 1 at plantsado na umano ang security plans ng PNP para masigurong magiging mapayapa ito. Nasa 36,000 PNP personnel ang ide-deploy sa buong bansa para sa COC filing at mahigit 1,200 ang itatalaga sa National Capital Region. Ayon sa Comelec, magsisimula silang tumanggap ng COCs simula October 1 hanggang sa October 8, 2024. Iniurong naman sa November 2024 naman COC filing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Montre plus
0 commentaires
sort Trier par