Suivant

Sapul sa CCTV: Nakaparadang motorsiklo ninakaw sa Barangay Culiat, QC | ABS-CBN News

15/07/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagnanakaw ng nakaparadang motorsiklo sa Barangay Culiat sa Quezon City. Ayon kay Police Executive Master Sergeant Dennis Telen, chief investigator ng Quezon City Police District Anti- Carnapping Unit, natunton nila ang suspek sa pamamagitan ng backtracking ng mga CCTV sa lugar. Unang nahagip ng camera ang lalaki habang minamanmanan at nilapitan ang isang motorsiklo. Kalaunan ay isinuot ng suspek ang helmet na nakalagay dito at nang makakuha ng tiyempo ay tinakas niya ang motorsiklo. Agad naman humingi ng tulong sa mga pulis ang may-ari ng motor. "Nagtungo po siya doon sa lugar na 'yon dahil doon siya nagtatrabaho sa bahay na 'yon at paglabas niya, wala na 'yung motorsiklo niya," sabi ni Telen. Naaresto naman sa follow-up operation ng pulisya ang suspek at nabawi sa kanya ang ninakaw na motorsiklo. Pero iba na ang hitsura ng motor, nakatanggal na ang plaka, wala na rin ang top box at mga side mirror. "'Yung isang suspek ay siya ang maghahanap ng kanyang motor na tatargetin. Pagkatapos niya itong kunin tangayin ay dadalhin na doon sa kasama niyang suspek at ito ay tatanggalan ng pagkakakilanlan at ito kanilang binebenta," sabi ni Telen. Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek, na nakuhanan din ng isang hand grenade. Patuloy pang hinahanap ng pulisya ang kasabwat ng suspek. Nasampahan na ang lalaki ng mga reklamong paglabag sa New Anti-Carnapping Act at Unlawful Possession of Explosive. For more ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmg4pcvfM9a96rbUcLD_0P_U For more News Digital News Raw Cuts, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmivfD9aJD-8k0SNcMqG2xdA Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews #Culiat #LatestNews #ABSCBNNews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant