Suivant

Sari-saring genre ng pelikula mapapanood sa MMFF 2024 | Patrol ng Pilipino

24/12/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

MAYNILA — May pelikula para sa iba’t ibang hinahanap ng manonood sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF), na magbubukas sa mga sinehan sa bansa Miyerkules, Araw ng Pasko. Kabilang sa inaabangan ang pagbabalik ni Vice Ganda kasama si Eugene Domingo sa dramedy na “And The Breadwinner Is…”. May aksyon namang hatid ang “Green Bones” nina Dennis Trillo at Ruru Madrid at “Topakk” nina Arjo Atayde at Julia Montes, habang may halong kasaysayan ang alternate history film na “The Kingdom” ni Vic Sotto at Piolo Pascual. Musical revival naman ng classic movie ang “Isang Himala” nina Aicelle Santos at Bituin Escalante. Bahagi pa rin ng 10 pelikula ng MMFF ang horror movies na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” starring Enrique Gil at “Espantaho” nina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, at Janice de Belen. Para sa mga gusto ng romance, mapapanood ang “Hold Me Close” nina Carlo Aquino at Julia Barretto, at ang may time twist na “My Future You” kasama ang SethCine love team nina Seth Fedelin at Francine Diaz. Binubuo ang lineup ng mga pelikula ng thriller na Uninvited ni Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre. – Ulat ni Ganiel Krishnan, Patrol ng Pilipino Video produced with Armand Derek Sol [Other links] Follow #PatrolNgPilipino online! Facebook: https://www.facebook.com/patrolngpilipino Instagram: https://www.instagram.com/patrolngpilipino TikTok: https://www.tiktok.com/@patrolngpilipino X / Twitter: https://www.x.com/patrol_pilipino YouTube: https://bit.ly/43mZH69 Threads: https://www.threads.net/@patrolngpilipino For more news: https://news.abs-cbn.com Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant