Seguridad sa paglipat kina Shiela Guo at Cassandra Li Ong sa NBI naging mahigpit |Patrol ng Pilipino
MAYNILA – Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation o NBI ang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na si Shiela Guo at umano'y isa sa mga incorporator ng sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga na si Cassandra Li Ong. Mismong si NBI Director Jaime Santiago ang nanguna sa convoy mula Bureau of Immigration (BI) patungo sa NBI headquarters sa Quezon City. Sumailalim na rin sa inquest proceedings ang dalawa. Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Ong, nahaharap sa mga kasong obstruction of justice at harboring a fugitive si Ong. Naibalik sa bansa ang dalawa noong August 22 mula Indonesia. Unang lumabas sa arrival lobby si Ong na sinundan ni Guo na nakasakay sa wheelchair dahil sumama umano ang pakiramdam. Mula Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, isinakay sila sa isang coaster at dinala sa BI para sa medical examination at inquest. – Ulat nina, Jeck Batallones, Andrea Taguines, Anna Cerezo, at Jessie Cruzat, Patrol ng Pilipino Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews