Suivant

Tindahan ng lechon manok, hinoldap ng dating empleyado

23/09/24
ABS-CBN
Dans Asie / Philippines

Huli sa CCTV ang panghoholdap sa isang tindahan ng lechon manok sa Bacoor, Cavite. Sa video na nakuha ng Bacoor City Police, makikitang pumasok sa tindahan ang suspek at saka tinutukan ng kutsilyo ang tindera. Dinala umano ng suspek sa banyo ang biktima at saka bumalik sa kaha para limasin ang kinita ng tindahan. Agad na tumakas ang suspek pero namukhaan siya at napag-alaman na dating empleyado ng tindahan. Naaresto ang suspek sa follow-up operation ng mga pulis. Paghihiganti umano ang motibo ng suspek at nahaharap siya sa kasong robbery. BUONG STORYA: https://news.abs-cbn.com/regions/2024/9/23/dating-empleyado-ng-manukan-hinoldap-umano-ang-dating-pinapasukan-sa-bacoor-1530

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant